Momijigari o ang pagmamasid ng Kouyou (mapula at manilaw na dahon ng puno ng maple) sa panahon ng taglagas. 3 sikat na lugar sa paligid ng Nagoya ang aming ipapakilala kung kaya naman ipinapayong alaming mabuti kung saan ang magandang puntahan bago ito bisitahin . Siguradong maraming tao rito kapag katapusan ng Linggo.
Korankei 香嵐渓
- (4000 Punongkahoy ng Maple)
- Kailan :Kalagitnaan o Katapusan ng Nobyembre
- Saan:Aichi-ken, Toyota-shi, Asuke-cho
- Direksiyon:Sumakay ng Meitetsu Line patungong Higashi Okazaki Station mula dito sumakay ng bus patungong Asuke at bumaba sa Korankei at maglakad ng mga 1 minuto. Aabot ng 70 minutos ang byahe sa bus.
- Info:0565-62-1272(Asuke Kankou Kyoukai)
Parke ng Joukouji – 定光寺公園
- Kailan :Kalagitnaan o Katapusan ng Nobyembre
- Saan:Aichi-ken, Set-shi, Jokoji-cho
- Direksiyon : Sumakay ng train ng JR Chuo Line patungong Jokoji mula dito maglakad ng mga 15 minutos.
- Info:0561-48-5319(Jokoji)
Parke ng Iwayado – 岩屋堂公園
- Kailan :Kalagitnaan o Katapusan ng Nobyembre
- Saan:Aichi-ken, Seto-shi, Iwaya-cho
- Direksiyon:Sumakay ng train ng Meitetsu Seto Line at bumaba ng Owari Seto Station mula dito sumakay ng JR Bus at bumaba sa Shinano-honmachi bus stop at maglakad ng 30 minutos.
- Info:0561-85-2730(Seto-shi Kanko Kyokai)
Pamamasyal sa Hardin ng Shirotori (白鳥庭園)
Ang Hardin ng Shirotori ay tradisyunal na hardin ng bansang Hapones. Maaring masiyahan sa pagmamasid ng mga dahon ng taglagas habang umiinom ng tsaa. Ang isang upuan ay nagkakahalaga ng 500 Yen ay mayroon nang kasamang minatamis. At mayroong pagbebenta at pagpapakilala ng mga natatanging produkto sa rehiyon na ito.
- Kailan :Nobyembre 22 (Sat) to 24 (Mon) 9AM-9PM
hanggang Disyembre 7 (Sun) bukas hanggang 9PM para masiyahan ang light up ng mga dahon (Sarado ng Disyembre 1) - Saan:Shirotori Garden (Atsuta-ku, Nagoya)
- Direksiyon:Sumakay ng subway Meijo Line at bumaba sa estasyon ng Jingu Nishi. Maglalakad ng halos 10 minuto mula sa exit number 4.
- Bayad sa Pagpasok: 300 Yen (Libre ang mga JHS Students pababa)
- Info:052-681-8928 Parke ng Shirotori)
Mga Dahon ng Taglagas sa Parke ng Tokugawa(徳川園)
Ang Hardin ng Tokugawa ay isang pambansang hardin ng bansang Hapon. Ito`y katabi ng Museo ng Tokugawa. Masisiyahan ang lahat sa inilawang mga dahon ng taglagas. Libreng makakapasok sa mga araw ng Nobyembre 3 (Lunes at Araw ng Pista) at magkakaroon ng ika 10 anibersaryong konsiyerto sa araw na ito. Meron ding Maccha sa mga tea shops sa loob ng hardin. 500 Yen ang bayad sa isang upuan (ito ay may kasamang minatamis).
- Kailan: Nobyembre 21 (Biyernes) – 30 (Linggo) 9:30 am – 9:30 pm (maaring makapasok hanggang 9pm)(25 (Martes) ang araw na sarado ang hardin)
- Lugar: Hardin ng Tokugawa (Higashi Ward, Lungsod ng Nagoya)
- Direksyon: Sumakay ng Shi bus(pampublikong bus) at bumaba sa [Tokugawa Enshindeki] at maglakad ng 3 minuto
- Bayad: 300 Yen (Libre ang mga mag-aaral na Junior HS at pababa)
- Info: 052-935-8988