November 2015 Events (11月のイベント) | NIC Filipino

November 2015 Events (11月のイベント)

Share on Facebook
Post to Google Buzz
Bookmark this on Yahoo Bookmark
Share on FriendFeed
Share on LinkedIn

 

Horikawa Water Magic Festival
堀川ウオーターマジックフェスティバル

Ang bilang ng water bus tours sa pagitan ng Nayabashi at Asahibashi ay gaganapin sa Oktubre at unang linggo ng Nobyembre. Kasama ang paglalakad at pagsakay sa nasabing boats kayo ay dadalhin sa Nagoya Castle at Shikemichi. Ang Nagoya City Science Museum tour na siyang ikakatuwa ng mga bata at mga magulang ay gaganapin rin. Mayroon ring creator’s market at iba pa sa paligid ng Nayabashi. Sa Nobyembre 7 at 8 masisiyahan din kayo sa gaganapin Endoji’s Paris Festival (tignan lamang ang page 5 para sa karagdagang impormasyon).

  • Petsa: Oktobre 10 (Sabado) hanggang Nobyembre 8 (Linggo)
  • Inquiries: Telepono: 052-522-0025 (Hapon lamang ang Lingwahe)

 

 


Image courtesy of Nagoya Convention & Visitors Bureau
Image courtesy of Nagoya Convention & Visitors Bureau

Nagoyameshi Expo 2015
なごやめし博覧会2015

Bumili ng mga discount tickets at subukan ang Nagoyameshi (lokal special food ng Nagoya) kasama ang hitsumabushi, misokatsu, tebasaki at kishimen, kung saan mahigit 300 ka kainan ang siyang pumaparte,ang mga kainan na ito ay nasa iba’t ibang parte sa lugar ng Nagoya kasama rito ang Meieki (Nagoya Station area), Fushimi, Sakae, Kanayama, Imaike at Ikeshita. 31 ka restaurants rin ang lumahok na may kakaibang dish na sumali sa New Nagoyameshi Grand Prix at kayo ang siyang bubuto. Kumuha ng culinary trip sa paligid ng Nagoya at bumoto sa inyong paboritong putahe.

  • Petsa: Oktobre 1 (Huwebes) hanggang Nobyembre 15 (Linggo)
  • Tickets: 5 tickets 3,000Yen; 2 tickets 1,240 Yen. Available sa hotel at kalahok na restaurant, sentro ng impormasyong pang turista, Ticket Pia, etc.
  • Website: http://www.nagoyameshi-expo.com/ (Hapon lamang ang Lingwahe)


 


Ang ika-15 Chōja-machi Yebisu Matsuri (第 15 回 長者 町 ゑ び す 祭 り)

Matatagpuan sa gitna ng Nagoya, ang Chōja-machi ay itinuturing na isa sa tatlong pinakamalaking tela pakyawan sa bansa na may ilang daang taong kasaysayan. Sa distritong ito ay nangakalat ang iba’t ibang tindahan pang-kalakal at kalakalan ng mga Kimono at kasuotan pang kanluran, gayundin ang maraming bilang ng tampok na mga kainan at “boutique”, na sa ngayon ay patuloy sa pagbabago ng anyo na nagiging sentro ng pang-internasyonal na pamamahagi ng kalakal, cuisine at IT. Mula ng sinimulan ang pagdiriwang na ito sa distrito noong 2001, ito ay naging isang pinaka-malaking Flea Market.

  • Kailan: Sabado Nobyembre 14 at Araw Nobyembre 15
  • Saan: Chōja-machi tela Wholesale District (長者町繊維街) sa Naka Ward (中区)  Nishiki (錦) 2-Chome
  • Access: Subway Higashiyama at Tsurumai Lines (地下鉄東山線 · 鶴舞線)
    5-minutong lakad mula sa Fushimi Station (伏見駅)
  • Website: http://www.yebisu-m.com/index.html (Japanese)

 


 Toyohashi International Festival 2015 (Pistang Pang-Internasyonal ng Toyohashi) とよはしインターナショナルフェスティバル2015を開催します!

Ang kaganapang pagtatanghal na ito ay tungkol sa musika at sayaw (tulad ng Belly Dance at tugtog ng Harp) at mga luto mula sa mga iba`t ibang bansa tulad ng Russia, Brasil at Hawaii, masisiyahan din sa paggawa ng soba.

Maraming kasiyahan ang nilalaman nito.Mayroon ding mga paligsahan ng Pagsasalita sa Hapones, International Exchange Photo, Kultura ng Hapon,(flower arrangement at tea ceremony experience), fair trade bazaar,pagpapakilala sa aktibidad ng panel exhibition ng international exchange organisasyon, art ng mga bata,at mga larong pambansa.

 

  • Petsa: Nobyembre 15(Linggo) mula 10am hanggang 4pm
  • Lugar: Kodomo-miraikan KokonikoToyohashi
  • Pagpunta: JR Tokaido Line,maglakad ng 10 minuto mula East Exit ng「Toyohasi」station.Tumungo ng North mula Tokiwa Arcade
  • Bayad: Libre
  • Katanungan: 0532-55-3671、✉ tiea@tcp-ip.or.jp

 

 


Dome Yakimono World 2015 (ドームやきものワールド2015)

May higit sa 400 kubol ang irerepresenta sa pinakamalaking kaganapan sa Japan ng mga pangunahing palayok at keramika sa Seto,Tokoname at Mino. At maliban sa mga pinggan ay mayroon din mga produktong tradisyunal craft ng Hapon. Itong kaganapan na ito noong nakaraang taon ay inaabot ng 180,000 ang bisita.Mayroon ding delivery-counter na kung kaya’t hindi kailangan mag-aalala sa take-out at maaaring mamili!

  • Petsa: Nobyembre 19(Huwebes) ~ 25(MIyerkules) 10am~6pm.Pumasok bago magsarado ng 30minutos.
  • Lugar: Higashi-ku Nagoya Dome
  • Pagpunta: Subway Meijo line,5 minuto mula「Nagoya Dome Mae-yada」station.
  • Bayad: High School pataas \1200,(advance \1000), libre para sa mga Elementarya pababa.
    Bilihan para sa advance tiket, Circle K at Sunkus (P-Code: 989-779)