Bago magtapos ang buwan ng Marso, magsisimula nang mamukadkad ang mga bulaklak ng sakura o cherry blossom. Isinasagawa ang hanami kapag lubusan ng mamukadkad ang mga ito. Ngayong panahon ng hanami, karaniwang nagsisipuntahan ang lahat, kasama ang kanilang mga pamilya o kaibigan, sa parke at naglalatag ng malalaking plastic mat sa ilalim ng mga puno ng sakura, kung saan sila kakain ng mga bento lunch box o mag-iinuman. Mayroon din mga piling lugar kung saan maaring pagmasdan ang kakaibang kagandahan ng mga sakura na pina-iilawan sa pagsapit ng gabi.
Narito ang ilang rekomendadong viewing spots ng sakura sa Nagoya:
Takaoka (Higashi-ku, Nagoya) / 高岳の大寒桜(名古屋市 東区)
- Ang mga sakura dito ay 2 – 3 linggo na mas maagang namumulaklak kaysa sa uri ng sakura na tinatawag na “Somei Yoshino”, ang pangkaraniwang uri ng sakura na namumulaklak sa kalagitnaan ng Marso.
- Direksyon: Sumakay sa Sakura-dori Subway Line at lumabas sa Takaoka Station Exit 2. Paglabas ninyo ng Exit 2, lumiko sa kaliwa sa unang traffic light. Siguradong makikita ninyo agad ito!
Yamazaki River (Mizuho-ku, Nagoya) / 山崎川(名古屋市 瑞穂区)
- Iilawan ang 700 puno ng sakura hanggang 9:30 ng gabi, araw-araw mula huling bahagi ng Marso hanggang simula ng Abril.
- Direksyon: Sumakay sa Sakura-dori Subway Line at lumabas ng Mizuho Kuyakusho Station. Lumakad pa-silangan ng mga 10-minuto.
Shonai-Ryokuchi Park (Nishi-ku, Nagoya) / 庄内緑地(名古屋市 西区)
- Sa timog-silangan ng parke makikita ang 1,000 puno ng sakura at 150,000 puno ng “rape” blosssoms na kulay dilaw at kulay-ube na nasa kasagaran ng pamumulaklak.
- Direksyon: Sumakay sa Tsurumai Subway Line at lumabas ng Shonai-Ryokuchi-Koen Station Exit 2.
Higashiyama Park (Chikusa-ku, Nagoya) / 東山動植物園(名古屋市 千種区)
May 3,000 puno ng sakura dito. Ang “Sakura no Kairou” ay may koleksyon ng mga 1,000 puno ng 100 uri ng sakura na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng Japan.
- Direksyon: Sumakay sa Higashiyama Subway Line, at lumabas ng Higashiyama-koen Station Exit 3 at lumakad ng 3-minuto.
- Pagbubukas: 9 :00 AM – 4:50 PM; Sarado ito tuwing Lunes
- Admission: \500 para sa adult (libre ito para sa mga junior high school student at mas bata)
Iba pang mga lugar:
- Nagoya Castle, sa Naka-ku, Nagoya: 1,600 puno
- Tsuruma Park, sa Showa-ku, Nagoya: 1,000 puno
- Odaka Ryokuchi Park, sa Midori-ku, Nagoya: 1,500 puno
- Arakogawa Park, sa Minato-ku, Nagoya: 1,000 puno
- Sakurabuchi Park, sa Shinshiro-shi, Aichi: 2500 puno
- Gojo River, sa Iwakura-shi, Aichi: 1,600 puno
- Oike Park, sa Tokai-shi, Aichi: 1,100 puno
- Ochiai Park, sa Kasugai-shi, Aichi: 1,100 puno
- Okazaki Park, sa Okazaki-shi, Aichi: 2,000 puno