Ang Information Counter ay makikita sa kaliwang bahagi ng pasukan sa Infomation Service Corner. Dito ang mga Hapon ay binibigyan ng impormasyon patungkol sa pagaaral sa ibang bansa, mga organisasyon sa pakikipagugnayang internasyonal, atbp.
Kung may tanong, tumawag lamang sa telepono (052-581-0100) o sumulat (kailangan maglakop ng self-addressed, pre-stamped envelope kapag galing sa labas ng bansa).
Ang mga dayuhan naman ay binibigyan ng impormasyon patungkol sa pangaraw-araw ng buhay at pagliliwaliw sa Japan sa salitang Ingles, Intsek, Pranses, Koreano, Portuges, Espanyol at Filipino.
Martes – Biyernes | Sabado | Linggo | ||||
09:00 – 12:00 | 13:00 – 17:00 | 09:00 – 12:00 | 13:00 – 17:00 | 09:00 – 12:00 | 13:00 – 17:00 | |
Hapon | ■ | ■ | ■ | ■ | ■ | ■ |
Ingles | ■ | ■ | ■ | ■ | ■ | ■ |
Portuges | ■ (※10:00 – ) |
■ | ■ | ■ | ■ | ■ |
Espanyol | ■ (※10:00 – ) |
■ | ■ | ■ | ■ | ■ |
Intsek | ■ | ■ | ■ | ■ | ■ | |
Koreano | ■ | ■ | ■ | |||
Filipino | ■ (※Huwebes) |
■ | ■ | |||
Pranses | ■ |
Noticeboard
Impormasyon ukol sa pangaraw-araw na buhay ay nakapahayag, kasama ang patungkol sa programa ng pakikipag-ugnayan ng mga Hapon at mga banyagang residente, mga lokal na pangyayari at pagkaing Hapon, at iba pang mga bagay patungkol sa kultura sa ibat-ibang wika. May noticeboard din para sa palitan ng impormasyon patungkol sa mga serbisyong boluntaryong.
Maari ring magamit ang noticeboard para makipagpalitan ng impormasyon patungkol sa walang bayad na boluntaryong trabahong para sa layunin ng internasyonal na pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng sumusunod:
- Volunteers Wanted
Buy / Sell
Accommodation
Events and Activities
Aklat-Patnubay ng Buhay sa Nagoya (link sa mga lathala ng Lungsod ng Nagoya)
Ang aklat-patnubay na ito ay naglalaman ng iba`t ibang impormasyon (nakalimbag sa PDF file) tungkol sa pamumuhay sa Lungsod ng Nagoya kagaya ng Pang-araw-araw na Pamumuhay, Tirahan, Edukasyon, Transportasyon, at Mga Paglilingkod Kaalaman, at iba pa.