Masisilayan ang naggagandahang bulaklak ng Fuji na nagsisimula sa huling linggo ng Abril hanggang sa unang linggo ng Mayo. Masiyahan sa hitik na pamumulaklak at kabanguhang dulot nito.
*Tennogawa Park (Tsushima City, Aichi Ken)
May 9 na uri at 132 na puno ng East Wisteria Trellis (Fuji) na masisilayan sa parke. Sa durasyon ng flower festival ay magkakaroon ng Light-up pagsapit ng hapon.
- Kailan: Durasyon ng Fuji Festival – Huling linggo ng Abril~ Unang linggo ng Mayo
- Direksiyon: Mula sa Meitetsu Tsushima Sta. at maglakad ng 15 minuto sa direksiyong Kanluran (West).
- Inquiry: 0567-24-1111 ( Tsushima City Hall)
*Mandaraji Park (Kounan City, Aichi Ken)
Sa paligid ng malawak na Mandaraji ay masisilayan ang 12 uri na 60 puno ng naggagandahang Fuji, gayundin naman ang kaakit-akit na bulaklak ng Botan.
- Kailan: Durasyon ng Fuji Festival- Abril 23~Mayo 6 (Miyerkules, Piyesta Opisyal)
- Direksiyon: Sumakay ng Meitetsu Inuyama Line at bumaba sa Kounan Sta. at mula dito ay sumakay ng bus patungong Kounan Danchi (15 min.), bumaba sa Mandaraji bus sta. at maglakad ng 12 minuto mula dito.
- Inquiry: 0587-54-1111 Ext. Line 336 (Kounan Fuji Festival Secretariat)
*Meijou Kouen (Kita Ku, Nagoya City)
Ang tuloy-tuloy at mahabang hilera ng naggagandahang Fuji ang pinakakaabangan sa festival na ito.
- Kailan: Durasyon ng Fuji Festival – Huling linggo ng Abril~Unang linggo ng Mayo
- Direksiyon: Sumakay ng Subway Meijou Line at bumaba ng Meijou Kouen, mula sa West Exit ay maglakad ng 3 minuto.
- Inquiry: 052-913-0087 (Meijou Kouen Flower Plaza)