Osu Summer Festival – 大須夏祭り
Ang Osu summer festival ay isa sa malalaking event na ginagawa sa Osu shopping Arcade. Isa ang Osu sa mga historical area sa Nagoya kung saan ay maraming tindahan at kainan na nagtatampok ng sari-saring pagkain. Mapapanuod ang iba’t-ibang live performances, Japanese taiko drums show, cosplay parade, at ang Samba carnival.
Kailan:Agusto 2 (Sabado) – 3 (Linggo)
Saan:Sa paligid ng Osu temple (Naka-ku, Nagoya)
Direksyon:Sumakay ng Tsurumai o Meijo Subway Lines papuntang Kamimaezu Station o sumakay ng Tsurumai Subway Line papuntang Osu Kannon Station
Ichinomiya Tanabata Matsuri – 一宮七夕まつり
Ang komemorasyong ito na nangangahulugang “ika-pitong gabi” at tinagurian ding “star festival” ay ang pinakamalaki at kilalang festival sa Ichinomiya. Katulad ng Tanabata Festival ng Sendai at Hiratsuka, isa din ito sa pinakamalaking selebrasyon sa Japan na dinadaluhan ng milyong panauhin taun-taon.
Kailan:Hulyo 24 (Huwebes) – 27 (Linggo)
Saan:Aichi-ken , Ichinomiya-shi , Honmachi-dori
Direksyon:Mula JR Owari-Ichinomiya Station o Meitetsu Ichinomiya Station at maglakad ng 2 minuto
Impormasyon:0586-28-9131 (Ichinomiya tanabata matsuri kyousinkai)
Anjo Tanabata Festival – 安城七夕まつり
Bisitahin ang Anjo shopping district na napapalamutian ng 5 kulay at sari-saring dekorasyon na sumisimbulo sa Tanabata festival. Masisiyahan sa napakaraming tindahan na nagbubukas tuwing festival lamang, live shows, parade atbp. mga events. Kung gustong iwasan ang mainit na panahon ay maaari ding bumisita dito ng gabi.
Kailan:Agusto 1 (Byernes) hanggang 3 (Linggo)
Saan:Shopping mall sa paligid ngJR Anjo Station (Anjo-shi, Aichi-ken)
Direksyon:Sumakay ng JR Line pauntang Anjo Station o Meitetsu Nishio Line papuntang Minami-Anjo Station
Impormasyon:0566-76-5175 (Anjo shoko kaigisho)